Before I start telling whatever I have to blog this day, I'll use the Filipino language to convey what I really feel right now. You may use a translator or let someone who is a Filipino to tell you what I said in this blog.
With that, let's get to this.
14.03.18
Isa na yata 'yang araw na 'yan na pinakatatandaan ko. Marami kasing nangyari sa isang araw, o sabihin nating isang gabi. Lahat na yata ng pwedeng emosyon, naramdaman ko na sa araw na 'to. Bakit? Kasi JS Prom namin. At first time ko pa. Medyo mataas ang expectations ko, dahil siyempre baguhan pa lang ako sa ganoong bagay.
Mga 4 na ng hapon nang naisipan kong sunduin yung mga kaklase ko para pumunta na sa venue. At dahil hindi ako street smart, nagkandaleche-leche yung pagturo ko sa mga bahay ng kaklase ko. Kinabahan na rin ako kasi baka hindi kami umabot sa oras, pero salamat naman at nasaktuhan namin yung call-time. Nakakatuwa pa nga kasi malapit yung mesa namin sa mesa ng crush ko. Oh 'di ba, medyo kinilig na 'ko!
Mga 6 na nung nagsimula ang program. Everything went smoothly so far. Ang sarap pa nga ng pagkain, eh! Hindi ko aakalaing mauubos ko yung ganoong karami ng pagkain sa isang plato. Okay pa hanggang cotillion, hanggang sa dumating na ang dance party.
Ayun, siyempre yung mga kaklase ko nagsayawan naman habang ako, nasa table nagbabantay ng kung anong mga gamit nila. Natutuwa ako sa kanila kaso hindi ko rin maiwasang umasa na isasayaw ako ng crush ko. Alam niyo naman, prom. Nang biglang magbago ang music, from slow to party hard songs, nagsitayuan na kami para sumayaw. Siyempre, sumali na 'ko. Ayokong mapag-iwanan no!
At doon na dumating yung problema ko. Pagbalik namin sa table, biglang nawala yung bag tsaka bolero ko! Bago kasi kami tumayo ay iniwan ko siya sa upuan ako. Pero, shet! Nawawala yung gamit ko! Paano ako uuwi niyan, 'di ba? Nandun pa naman yung cellphone ko, wallet, at kung anu-ano pang kailangan ko para mairaos yung gabing 'yun. Siyempre, sinabi ko sa mga kaklase ko yung tungkol doon. Muntikan pa nga nilang ipa-announce, eh. Buti 'di natuloy.
Nahanap ko ba yung bag ko? Oo, nahanap ko siya. Paano? Nakita ko kasing tumayo yung mga nakaupo dun sa mesa kung nasaan yung crush ko. And poof, bigla kong nakita yung bag ko dun sa may mesa nila! Bigla akong nainis, hindi ko alam kung bakit. Pero at least, nahanap ko yung bag ko. At least, makakauwi ako ng buhay.
Bumalik ulit yung slow songs. Medyo nawalan na ako ng pag-asa nung nakita kong nakaupo lang siya dun sa may upuan niya. 'Di ko maiwasang itanong sa sarili ko kung may balak ba siyang isayaw yung crush niya. Pero nabigla na lang ako nang may dumaan mula sa likod ko. Siya pala yun, kasama yung isasayaw niya. Aray naman, doon pa kasi sa may tapat ko sumayaw, eh! Sinong 'di magseselos dun, ha? Tapos isa pa, kasayaw niya naman yung dating nagka-crush sa kanya. Mas nainis ako dun, may konting galit ako dun sa babae. Pero tss, wala eh.
Nasabi na yung awardees noong gabi na 'yun. Nagkaroon na naman ng slow dancing. Mas lalo akong nawalan ng pag-asa nun dahil patapos na yung gabi, at hindi na siya nagsasayaw pa.
But wait, there's more!
Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na yung mga kaklase kong kasama sa mesa ay gusto akong ipagpilitan magkaroon ng picture sa crush ko. At dahil may hiya naman ako ng kahit konti ay tumanggi ako. Anyways, party hard music na yung tumutugtog nang bigla akong kausapin nung mga kaklase ko. Tinatanong nila kung ayos lang ba talaga ako, kasi hindi ako gaanong umaalis sa table ko. Tinatanong nila ako kung sure ba ako na ayos lang talaga. Sabi ko, ayos naman.
Pero sadyang mapilit 'tong mga kaklase ko kaya sinabi ko na sila na bahala kung gusto nila. At ayun, lumapit na sila sa crush ko at tinawag. Tapos sabi nung lalaki kong kaklase na sumayaw na kami. Nagulat ako dun. Akala ko, picture lang! Pero sayaw, shet! AKALA KO PICTURE LANG! SHET, SAYAW! HINDI AKO HANDA DUN! BAKIT SAYAW?!?!?!
Pero dahil naiintindihan ko naman yung effort nung mga kaklase ko, hala sige sayaw! Ang awkward lang, sumayaw kami dun sa may party hard na music. Tapos romantic pang sayaw! Todo-sorry ako sa kanya, nakakahiya naman talaga kasi. Nilabas ko na yung daldal ko sa kanya, buti naman at sumasagot kahit papaano. Sinabi kong ang awkward, bakit party music, at kung anu-ano pa. Nasabihan ko pa nga siya ng mianhae (sorry yun), ewan ko lang kung hindi niya napansin o hindi niya pinansin. Basta ayun, mukha kaming tanga dun sa likod! Hahaha! Pero ayos lang yun, at least pinasaya nila ang gabi ko! Hahaha! Sila kasi yung mga kaklase ko talaga yung nagpursige. Thanks kay Paula, Aurora, tsaka kay Daniel! Pati na rin kay crush! Hahaha!
Matapos nun ay yung last part. Pagkatapos nun ay natira pang minuto para kami'y magsayaw. and poof, romantic song ulit! Ano ba, bakit hindi na lang kami dun nagsayaw! Sayang talaga! Pero okay na okay na okay lang talaga, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon, eh! Hahaha!
Ang ending? Well, I ditched prom. Oha, ang galing ko talaga! Hahaha! Hindi, nag-text na kasi ako before yung last part namin na magpapasundo na 'ko. Eh, dumating na yung tatay ko, so umalis na 'ko ng venue. Buti na lang at hindi ako nakita nung mga teachers na tumakas. Nakakatuwa, at least may experience!
Anyways, tama na. Nobela na kasi, eh! Nga pala, bakit Can't Stop yung title ng post? Alam niyo yung kanta ng Can't Stop by CNBLUE? Kung alam niyo, makakarelate kayo. Yung verses kasi ay may slow na tempo, which reminded me of our dance, habang yung sa chorus naman ay medyo mabilis, na siyang nagpaalala sa'kin nung music nung time na 'yun. Ayos na ba? Ayos!
Oh siya, tama na talaga 'to! See ya in the future blog! ♥♥
PS. May picture kami, kaso private na 'yun! Hahaha! ♥